SA gitna ng patuloy na pagtugis ng pamahalaan sa mga pinaniniwalaang bansa sa national security, inihayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagsipa ng imbestigasyon sa kumpanyang nagsilbing kanlungan ng mga overstaying Chinese nationals.
Sa isang pahayag, partikular ng tinukoy ni DICT Assistant Secretary Renato Paraiso ang Dito Telecommunications na pag-aari ni Dennis Uy na mas kilala bilang crony ni former President Rodrigo Duterte.

Ayon kay Paraiso, sisiyasatin ng ahensya, sa pakikipagtulungan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Council (CICC) ang nasa 400 Chinese nationals na itinalaga sa mga sensitibong posisyon sa naturang kumpanya.
Lubos na ikibahala ng DICT ang pananatili ng mga Chinese nationals sa bansa gamit ang “expired tourist visa.”
Bukod sa DICT at CICC, pasok din sa composite investigation panel ang National Telecommunications Commission (NTC).
