NI ESTONG REYES
PARA kay Senate President Francis Escudero, higit na angkop maging bahagi ang mga gobernador at alkalde sa public hearing para sa 2026 national budget.
Sa isang pahayag, partikular na pinuna ni Escudero ang kawalan ng boses ng mga lokal na pamahalaan sa deliberasyon ng badyet.
Napapanahon na rin aniya ang panukalang inirekomenda kay Senador Win Gatchalian na tumatayong chairman ng Senate committee on finance.
“They have been sidelined for too long. It is now time to give them a seat at the table,” ayon kay Escudero
Aniya, maaaring imbitahan ang gobernador o alkalde para maging aktibong bahagi ng public hearing sa Senado sa 2026 national spending package sa pagsasabing: “a break from long-standing practice that excluded them from the legislative crafting of the country’s most important expenditure measure.”
Ipinaliwanag pa ni Escudero na bagamat dumadalo sa pagdinig ang opisyal mula sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno para bigyang-katwiran ang panukalang badyet, napapanahon na para sa local chief executives na responsable sa implementasyon ng maraming proyekto – na mabigyan sila ng lugar na ipabatid ang kanilang pananaw hinggil sa pambansang badyet.
“Kung mga division heads ng maliliit na bureaus ay dumadalo sa budget hearings, bakit ang mga pinuno ng mga probinsya at malalaking lungsod ay hindi?” tanong ng veteran legislator.
Naniniwala si Escudero na makatutulong ang local government executives sa pagsusuri at paghimay kung tutugon ang partikular na badyet sa pangangailangan ng nasasakupang lokalidad.
“The perspectives of leaders on the ground are invaluable in determining which projects are necessary and which are not. They can also help flag possible overpricing in the appropriations being requested,” giit niya.
Iginiit ng senador na maraming nakalistang proyekto sa badyet na hindi kinokonsulta sa mga local government units dahil sa pulitika kaya nasasayang ang pondo at nagiging “white elephant.”
“Teritoryo nila ang mga ito. Kaya sila ang mas makakasagot kung kailangan nga ba talaga. Their feedback is too important to be ignored,” ayon kay Escudero.
“One way to achieve this is by requiring the approval or endorsement of the respective Provincial Development Councils and the Regional Development Councils for all development projects so that, at the very least, each LGU will be informed and notified of the proposed programs and activities of the national government in the ensuing year,” giit pa niya
