MATAPOS ang tatlong taon ng panunungkulan sa kawanihan, sinibak sa tungkulin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Romeo Lumagui bilang commissioner ng Bureau of Internal Revenue.
Ang ipinalit — si Department of Finance (DOF) Undersecretary Charlito Mendoza.
Buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon nang magsumite ng courtesy resignation si Lumagui bilang tugon sa direktiba ng Pangulo kaugnay ng isinusulong na balasahan sa pamahalaan.
Sa isang post sa social media, nagpahayag ng suporta si Lumagui sa panawagan ng Pangulo para sa pananagutan sa sa serbisyo publiko.
Nagpasalamat din si Lumagui sa Pangulo sa pagkakataon maglingkod bilang pinuno ng BIR noong Nobyembre 2022.
