HINDI lang illegal POGO ang kontrolado ng mga Chinese nationals sa bansa, ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga.
Sa isang press briefing sa Malacañang, hayagang tinukoy ni Yulo-Loyzaga ang sektor ng pagmimina na di umano’y pinasok na rin ng mga Chinese nationals.
Katunayan aniya, kalaboso sa ikinasang operasyon sa nakalipas na taon ang mga 11 dayuhang huli sa akto sa ilegal na pagmimina sa bayan ng Paracale sa lalawigan ng Camarines Norte — bukod pa sa pagkakatimbog sa mga Chinese nationals na inaresto naman sa isang minahan sa hangganan ng Cagayan de Oro at Iligan City.
Kumbinsido rin si Yulo-Loyzaga na marami pang iligal na minahan ang pinapatakbo ng mga negosyanteng Chinese nationals.
“I believe the presence of foreigners is a very great possibility. Yes, as you know, I think it was last year we also apprehended in the border of Cagayan de Oro and Iligan foreign workers conducting illegal activities,” ani Yulo-Loyzaga.
