NASA 300 pamilya ang pansamantalang nakikisilong sa isang evacuation center matapos lamunin ng apoy ang mga kabahayan sa squatters area sa Barangay San Roque, Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), dakong alas 5:00 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa ikatlong palapag ng isang barong-barong sa kahabaan ng Kalye Camarilla.
Bagamat umabot lang sa ikalawang alarma ang sunog, mabilis kumalat ang apoy sa iba pang bahay na pawang yari di umano sa light materials.
Hindi pa natutukoy ng BFP-MCR ang sanhi ng sunog na dahilan sa kanselasyon ng klase sa tatlong kalapit na pampublikong paaralan – ang Camarilla Elementary School, Dona Josefa Elementary School at Aguinaldo Elementary School..
Dakong alas 7:45 ng umaga nang ganap na maapula ang apoy.
