MALAKING bentahe sa ekonomiya ng bansa ang inilabas na Administrative Order 38 na magbibigay-daan sa paglikha ng Inter-Agency Task Force on Sport Tourism (IATF-ST), ayon sa isang kongresista ng Kamara.
Sa isang kalatas, hayagang tinukuran ni Deputy Speaker at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V ang paglikha ng IATF-ST na naglalayong itampok ang Pilipinas bilang pangunahing international sporting event at tourism destination ang bansa.
“Administrative Order No. 38 is a game-changer for our nation’s sports landscape and economy. By positioning the Philippines as a hub for international events, we unlock immense potential for economic gains and employment opportunities in hospitality, infrastructure, and event management. But beyond that, this initiative will profoundly benefit our athletes. Hosting such events provides access to improved facilities, creates more training and competition opportunities right here at home, and generates vital funding for sports development programs,” wika ni Ortega.
“Natural ang galing ng mga Pilipinong athleta — kailangan lang mabigyan ng tamang suporta at oportunidad. Nagpapasalamat po tayo kay Apo Presidente Bongbong Marcos Jr. sa kanyang mga polisiya at programa sa mga Pilipinong athlete,” dugtong niya.
Sa ilalim ng AO 38, ang Department of Tourism (DOT), Philippine Sports Commission (PSC), Department of Budget and Management (DBM), at iba pang kinauukulan ahensya ng pamahalaan ay inaatasang magtulungan para alamin, mag-bid at maging host ang bansa ng mga global sporting competitions.
Layunin ng naturang direktiba magamit ang potensyal ng sport tourism bilang bahagi sa pagpapalakas ng ekonomiya, paglikha ng maraming trabaho at maipagmalaki ang iba’t-ibang world-class venues at mayamang kultura ng bansa. (ROMER R. BUTUYAN)
