BUKOD sa tumataginting na multa, kulungan din ang hantungan ng 15 Chinese nationals na huli sa akto sa mass production ng mga pekeng sigarilyo sa lungsod ng Cabanatuan.
Sa kalatas ng Bureau of Internal Revenue (BIR), dinakip ng mga dayuhang Tsinong nangangasiwa sa pabrika ng pekeng sigarilyo bunsod ng hindi pagbabayad ng buwis sa gobyerno.
Batay sa pagtataya ng BIR, hindi bababa sa P636 milyon ang halaga ng sinubang buwis — bukod pa sa multang ipapataw sa mga dayuhang nagmamay-ari ng naturang pabrika.

Sa pagpasok ng mga operatiba ng ahensya, tumambad ang sandamakmak ng sigarilyo, mga makinang gamit sa paggawa ng yosi, pekeng BIR tax stamps, tabako at iba pang materyales na gamit sa paggawa ng sigarilyo.
Nahaharap sa kasong paglabag sa National Internal Revenue Code ang mga Chinese nationals na kasalukuyang nasa kalaboso.
