SA lakas ng taglay na hangin, walang kahirap-hirap na ibinuwal ng bagyong Uwan ang apat na naglalakihang poste sa kahabaan ng Borabod Road sa bayan ng Labo sa Camarines Norte.
Ang resulta — putol ang supply ng kuryente sa naturang lokalidad at maging sa mga karatig bayan.
Bukod sa Borabod, bakas din ang bagsik ng bagyong Uwan matapos humambalang sa mga kalsada ang mga punong itinumba ng malakas na hangin sa Barangay Bautista.
Damay din sa paghapay ng mga puno ang mga linya ng kuryente at ilang bahay na bahagyang napinsala. Gayunpaman, walang naiulat na nasaktan ayon sa lokal na pamahalaan.
Kasalukuyang nasa ilalim ng Signal Number 4 ang bayan ng Labo.
