HINDI bababa sa 29 na katao, kabilang ang limang dayuhan, are timbog sa operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob ng isang residential subdivision sa Kawit, Cavite kung saan nabisto ang apat na scam hubs.
Kabilang sa mga kalabosong foreign nationals sina Shang Guan Jian Bao, Guan Pei Hong, at Masi Yi pawang mga Chinese nationals; Jenny Tan Sue Tzen at Kong Yee Xin na kapwa naman kapwa Malaysian.
Arestado rin sa ikinasang operasyon ang 24 Pinoy na nagtatrabaho bilang empleyado sa mga scam hubs na nakakubli sa apat na residential units sa Grand Centennial Village.
Ayon sa NBI, sinalakay ng mga operatiba ang mga target na kabahayan sa bisa ng warrant mula sa husgado. Kumpiskado rin sa naturang pagsalakay ang ang high-end computers, cellphones at iba’t ibang makabagong gadgets na gamit sa panloloko.
Bago pa man sinalakay ang target, inamin ni NBI Director Atty. Jaime Santiago na nagsagawa muna ng isang maingat na surveillance sa naturang lugar base sa timbre ng impormante hinggil sa iba’t ibang uri ng scam tulad ng romance scam, investment scam, crypto scam, impersonation scam at credential stuffing sa Grand Centennial Village sa nasabing bayan.
Kasong paglabag sa Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) at RA 12010 (Anti-Financial Account Scamming Act) ang mga suspek.
