PUSPUSAN ang hakbang ng legal defense team para sa “interim release” ni former President Rodrigo Duterte na nakakulong sa The Hague kaugnay ng crimes against humanity sa likod ng madugong giyera kontra droga mula 2016 hanggang 2022.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang pakikipag-usap sa nakakulong na ama. Kasama si Davao City Mayor Sebastian Duterte, binisita ng bise presidente ang matandang Duterte.
Kinumpirma rin ng bise-presidente ang paghahain ng panibagong petisyon sa International Criminal Court (ICC) habang inaasikaso ang pagkuha ng “interim release ng dating pangulo.
“Ngayon ay mayroon provision sa Rome Statute, yung ng interim release na tinatrabaho rin,” aniya pa.
“And then one of the discussions as well was… to go through the Dutch laws.”
