HAGIP ng close-circuit television (CCTV) camera ang pananakit ni Leyte Rep. Richard Gomez kay Philippine Fencing Association (PFA) President Rene Gacuma sa 2025 Southeast Asian Games sa bansang Thailand.
Pagkatapos ng insidente, ikinuwento ni Gacuma ang ginawang pag kompronta umano ni Gomez sa mismong venue ng fencing competitions kung saan kalahok ang Pilipinas.
Sa written report na isinumite sa Chef de Mission ng Philippine delegation, sinabi ni Gacuma na sinubukan niyang batiin ang mambabatas ngunit nauwi ito sa tensiyon.
“He planted his right foot heavily on my left foot to limit my mobility. He squeezed my right thumb very hard like he wanted to dislocate it,” wika ni Gacuma sa isang panayam sa Fastbreak.
Aniya, hindi pa doon natapos ang pananakit ni Gomez na umano’y muling lumapit sa kanya ni Gomez habang nagpapagamot sa medical station bunsod ng kirot sa pagpisil ni Gomez sa kanyang kamay.
“[Gomez] literally capped my jawline forcefully with his right hand and said, ‘Di mo alam ang ginagawa mo! HR ka lang, wala kang alam sa pagiging atleta,” dugtong ni Gacuma.
Partikular aniyang ikinagalit ni Gomez ang desisyon ng federation na palitan ang fencer na si Alex Larrazabal sa women’s individual epee event.
Aniya, inalis ang atleta dahil sa pagliban sa mga training session at late submission ng mga kinakailangang travel documents.
