NANAWAGAN si Leyte Rep. Martin Romualdez sa mga kasama sa partidong Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) na magkaisa at aktibong isulong ang priority legislative agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Para kay Romualdez, higit na makabubuti sa bansa kung mananatili ang pagkakaisa sa Kongreso na posible lamang aniya kung may ugnayan ang mga miyembro ng iba’t ibang partido.
Sa ginanap na buwanang pulong ng Lakas-CMD na ginanap sa People’s Center sa Batasan Complex, binigyan-diin din ni Romualdez na taglay ni House Speaker Faustino Dy III ang buo at matatag na suporta, na mahusay na inaaksyunan ang priority measures na inindorso ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Giit din ng former Speaker mahalaga ang cross-party cooperation sa Kamara para matupad ang mabuting hangarin ni Marcos sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaukulang mga batas.
“As legislators, our foremost responsibility is to pass laws that directly improve the lives of our people. The Lakas-CMD is fully committed to supporting the President’s legislative priorities and to working constructively with Speaker Bojie Dy and all-party leaders in the House.”
Kinilala rin ni Romualdez ang mahalagang papel na ginagampanan ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, ang pagpapanatili ng matibay na koordinasyon sa pagitan ng House leadership and majority bloc upang matiyak ang mahusay at maayos na pag-apruba sa itinakdang priority bills.
Sa kanyang panig, sinabi Romualdez na bilang kinatawan ng unang distrito ng Leyte, patuloy siyang nakatuon sa pagsusulong ng mga mahahalagang batas partikular ang pagkakaroon ng inklusibong pag-unlad sa kanyang nasasakupan, maprotektahan ang kapakanan ng taumbayan at katuparan sa long-term national development, kasabay sa pagiging bahagi ng nagkakaisang hangarin magkaroon ang katuparan ang legislative program ng Marcos administration.
“With limited time and a heavy workload, what matters most is that we stay focused on legislation that delivers real, tangible benefits to Filipinos. This is how we help shape the enduring legacy of this administration.” (ROMER R. BUTUYAN)
