SA gitna ng kabi-kabilang kontrobersiya ng kapalpakan at katiwalian sa administrasyong Marcos, umarangkada ang performance rating ni Vice President Sara Duterte, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).
Sa datos ng SWS, nakapagtala si Duterte ng +28 net satisfaction sa fourth-quarter national survey na isinagawa mula Nobyembre 24 hanggang 30 ng nakalipas na taon.
Ayon sa SWS, 54% ng adult Filipinos ang “kuntento” sa performance ni Duterte habang 26% ang dissatisfied .
Kumpara sa 2025 third quarter survey results, lumalabas na mas mataas ang nasungkit na approval rating ng pangalawang pangulo sa huling bahagi ng nakalipas na taon.
Samantala, nakakuha naman ng +16 net satisfaction rating si Senate President Vicente Sotto III habang +5 net satisfaction ang grado ni House Speaker Faustino Dy III.
Wala naman pagbabago ang performance rating ni Chief Justice Alexander Gesmundo na may +9 net satisfaction rating.
