Ni LILY REYES
BAHAGYANG nasugatan ang dalawang bumbero habang inaapula ang sunog na tumupok sa isang bodega ng toyo sa Barangay San Bartolome sa Novaliches, Quezon City.
Kinilala ang mga bumberong nasaktan na sina Joseph Magalso at Kevin Asuelo na kapwa nagtamo ng sugat at lapnos.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection – Quezon City (BFP-QC), dakong alas 4:00 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa bodega ng Piñasarap Corp., ang kumpanyang gumagawa ng toyo at sukang tatak Marca Piña sa P. Dela Cruz St., sa nasabing barangay.
Umabot sa ikalimang alarma ang sunog na ganap na naapula bandang 5:26 ng hapon.
Nagsasagawa pa ng imbentaryo ang BFP sa halaga ng pinsala habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.
