HINDI lang umano isang uri ng heinous crime na kidnap-slay ang nangyari sa negosyante si Anson Que kung saan maituturing na rin umano itong bansa sa pambansang seguridad dahil ang ransom money ay dumaan sa hanay ng junket operators, e-wallet system at cryptocurrency platform.
“This is no longer just about ransom—it’s about a vast shadow economy of crime that’s infiltrating and abusing our financial system,” ang mariing sabi pa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, na siya ring chairman ng House Committee on Dangerous Drugs at ng Quad Comm, na nagsagawa na ng imbestigasyon kaugnay ng pagdami ng mga kriminal na operasyon na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na namayagpag noong administrasyong Duterte.
“What we’re dealing with is a deeply entrenched network of foreign syndicates using the Philippines as a safe haven for financial crimes,” dagdag ni Barbers.
Kasabay nito, pinuri naman ni Barbers ang Philippine National Police (PNP), sa ilalim ng pamumuno ni Gen. Rommel Francisco Marbil, sa matagumpay na pagtukoy sa money trail at pagbunyag sa komplikadong money laundering scheme.
“We thank the PNP for its relentless efforts in unmasking this operation. Their work is crucial in the Marcos administration’s fight against transnational syndicates,” saad pa ng Mindanaoan lawmaker.
Ani Barbers, ipinapakita ng kaso kung paanong nakasasabay ang mga criminal syndicate para samantalahin ang mga digital tools at mahinang regulasyon para sa kanilang mga transnational na operasyon.
Kaya naman iginiit ng ranking House official na kailangang palakasin ang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapatupad ng batas at kaayusan at lehislasyon.
“The Marcos administration is waging a serious war against criminal syndicates, and this case proves how high the stakes are,” sabi ni Barbers.
“These criminals are sophisticated, well-financed, and well-connected. They must be met with the full force of the law,” dagdag niya. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
