HINIRANG ang Brilliant Skin Essentials Inc., na pagmamay-ari ng skincare at beauty mogul na si Glenda Dela Cruz, na mas kilala bilang “Miss Glenda,” bilang 2025 Top Employer of the Year ng Munisipyo ng Morong, Rizal.
Tinanggap ni Miss Glenda ang plake ng pagkilala na pirmado ni Mayor Sidney B. Soriano noong Marso 13 sa isang seremonya na ginanap sa Comandancia Building sa Morong.
Bukod sa parangal, kinilala rin ang Brilliant Skin Essentials Inc. bilang Top 3 Outstanding Business Taxpayer of the Year at Top 4 Highest Real Property Taxpayer of the Year.
Samantala, ang isa pang negosyo ni Miss Glenda na Pink Ladder Construction and Development OPC ay kinilala bilang Top 14 Outstanding Business Taxpayer of the Year.
Para kay Miss Glenda, higit na espesyal ang tinanggap na parangal dahil nagmula ang pagkilala sa bayan kung saan siya lumaki.
“Hindi po ito basta-bastang parangal para sa akin, dahil ito po ay galing sa sa Morong, ang bayan na pinagmulan ko. Ang lugar na kinalakihan ko. Ang lugar na nagbigay sa akin ng lakas ng loob, kahit noong mga panahong hindi pa ako ganoong kakilala,” wika niya.
Sa kasalukuyan, may mahigit 1,000 empleyado ang Brilliant Skin Essentials sa buong bansa, at mayroon na rin aniyang malawak na network ng mga franchisee at distributor sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
“Ngayon, mahigit isang libong empleyado na ang bahagi ng Brilliant Skin Essentials sa buong Pilipinas. Mayroon na ring libu-libong franchisee at distributor na nagtitiwala sa aming brand. At sa likod ng bawat isa sa kanila ay mga pamilyang umaasa at nabubuhay dahil sa oportunidad na ibinibigay ng Brilliant Skin Essentials,” giit niya.
Ayon kay Miss Glenda, ang pagkilala sa Brilliant Skin Essentials bilang top employer ng Morong ay sumasalamin sa mga taon ng pagsusumikap, determinasyon, at sakripisyo.
“Kaya para sa amin, ang pagiging Top 1 Employer ng Morong ay hindi lang numero o titulo. Ito ay bunga ng pangarap, pagsusumikap, at sakripisyo,” aniya pa.
Naghahanda rin ang kumpanya ipagdiwang ang ika-10 anibersaryo ngayong taon, isang mahalagang yugto na ayon kay Miss Glenda ay nagpapakita sa tiyaga at pagpupursige sa pagbuo ng brand sa kabila ng mga hamon na kanyang pinagdaanan.
Tiniyak din niya na patuloy na magbabalik ang kumpanya ng tulong at oportunidad sa komunidad kung saan nagsimula ang tagumpay nito.
“Ang tagumpay ng Brilliant Skin ay tagumpay din ng Morong. Habang patuloy kaming lumalago, hindi namin kailanman makakalimutan kung saan kami nagsimula,” sabi pa niya.
Pinasalamatan naman ni Miss Glenda ang lokal na pamahalaan at sa mga mamamayan ng Morong sa patuloy na suporta.

Siper nakakaproud, grabe din ang pinagdaan pero talgang bongga ang tagumpay ng Brilliant skin.💕
Congratulations po, Madam! Well deserved po talaga! Proud kami sa inyo! 🥇♥️
Congratulations po Madam keep inspiring po sa marami you deserve it
Miss Glenda, your achievements are a testament to your strength and determination. Keep shining! 💫
Nakakaproud po kayo, Madam. Very inspiring and deserve lahat ng blessings! 💖
Proud supporter here! You are inspiring and deserve all your achievements. 👏
Nakakaproud po kayo, Madam. Very inspiring and deserve lahat ng blessings! 💖
Proud supporter here! You are inspiring and deserve all your achievements. 👏
Congratulations Madam Glenda and Brilliant Skin Essentials! 💖 Your journey inspires so many of us. Deserve na deserve po ang success ninyo! 👏✨
Congratulations Madam Glenda and Brilliant Skin Essentials! 💖 Your journey inspires so many of us.
Congratulations, Madaam! You deserve all the success coming your way. 🩷✨
Grabe, ang galing niyo po talaga! Lahat ng achievements niyo ay well-deserved! 🔥
Congratulations deserve mo yan lahat dahil napakagaling nyo CEO ❤️ #PINAKAMAKINANG
Hard work + dedication = success! Congrats Miss Glenda!
You always inspire us, Madam. Congratulations po! ❤✨