
TALIWAS sa anunsyo ng Pangulo ang posisyon ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) kaugnay ng pagbabalik ng P60-bilyong pondong sapilitang inilipat ng Department of Finance sa Bureau of Treasury.
Pag-amin ni PhilHealth Senior Vice President for Finance Dr. Israel Francis Pargas, wala pang mekanismo kung paano ibabalik ang pondo na kinuha ng national government noong nakalipas na taon.
Gayunpaman, umaasa si Pargas na tuluyang maibabalik sa ahensya ang pondong nakalaan para sa mga programang naglalayong palawakin ang serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan.
Hindi ruin umano niya batid kung paano ibabalik ng national government ang P60 bilyon. — “Wala pa po kaming idea kung paano ito ibabalik sa amin ng Bureau of Treasury.”
“Ilalagay ba sa savings ng PhilHealth ngayong taon ang P60 billion? O isasama ito sa 2026 General Appropriations Act?”