SA gitna ng gutom na dala ng kahirapan at sakuna sa iba’t iubang bahagi ng bansa, laganap ang nakawan sa mga bodega ng ahensyang nangangasiwa sa supply ng bigas.
Sa isang pulong-balitaan, ibinahagi noi National Food Authority (NFA) administrator Larry Lacson ang napipintong pagsasampa ng kasong plunder laban sa isang empleyadong nasa likod umano ng katiwalian sa loob ng ahensya.
“We will file a plunder case against one of our workers,” wika ni Lacson.
Bagamat hindi pinangalanan, inilarawan ng NFA chief ang sangkot na aniya’y pasok sa kategorya ng “mid-level employee.”
Ayon kay Lacson, hindi maipaliwanag ng naturang kawani kung saan at paano naglaho ang suplay ng bigas at palay mula pa noong 2021. Nang usasain kung gaano karami, sinabi ni opisyal na aabot sa P53 milyon ang halaga ng nawalang supply ng bigas — base sa resulta ng isinagawang internal accounting review.
Garantiya ni Lacson, hindi palalampasin ng NFA ang anumang uri ng katiwalian, higit lalo sa gitna ng sunod-sunod na kalamidad sa bansa.
