SA sandaling makakuha ng sipi ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC), agad na darakpin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Senador Ronald dela Rosa kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng nakalipas na administrasyon.
Ayon kay CIDG chief Major General Robert Monico, nakahanda na ang CIDG tumugon sa anumang utos mula sa isang “competent court.”
Gayunpaman, tumanggi palawigin ng CIDG ilahad ang plano kaugnay ng nasabing usapin.
“As of now, I cannot comment on that. But if there is an order from a competent court, whoever po ang nakapangalan doon, we will implement the warrant of arrest,” wika ni Morico .
Nauna nang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nakatanggap umano siya ng “unofficial copy” ng ICC warrant laban kay dela Rosa na nagsilbing hepe ng pambansang pulisya sa ilalim ng panunungkulan ni former President Rodrigo Duterte.
Marso 2025 nang pangunahan ng CIDG – sa ilalim ng noo’y Major Gen. Nicolas Torre – ang pagpapatupad ng arrest warrant ng ICC laban kay Duterte.
