SA pagbubukas ng taong 2025, isang magandang balita ang hatid sa hanay ng mga migranteng Pinoy sa bisa ng pardon na iginawad ng gobyerno ng United Arab Emirates (UAE) sa mga overseas Filipino workers (OFW) na nakakulong sa naturang bansa.
Sa isang kalatas, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatakdang pag-uwi sa bansa ng nasa 220 OFW na nakapiit sa UAE bunsod ng iba’t-ibang kaso.
Ayon sa DFA, bahagi ng taunang National Day ng UAE ang pagbibigay ng pardon sa mga bilanggo.
Para sa kagawaran, ang pardon na iginawad sa 220 OFWs ay patunay ng matibay na ugnayan sa pagitan ng dalawang estado.
Pinoproseso na rin ng DFA at embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi ang mga dokumento para sa sa bansa pag-uwi ng mga pinalayang Pinoy.
