PANGUNGUNAHAN mismo nina Speaker Martin Romualdez, at maybahay niyang SI TINGOG party-list Rep. Yedda K. Romualdez ang isang regional unity rally bilang pagpapakitan ng malakas na suporta sa senatorial bets ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nasa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Tacloban City bukas ng hapon.
Ang naturang pagtitipon ay inaasahang dadaluhan ng anim na provincial governors’ ng Eastern Visaya region, gayundin ang nasa 13 district lawmakers, hindi bababa sa 10,000 community leaders at volunteers, pitong city mayors, at 136 municipal mayors na mula sa iba’t-ibang political parties, patunay ng malawak na puwersang pulitikal at regional unity para sa administration senatorial slate kaugnay ng 2025 midterm poll.
“This is the unified voice of a region that has found strength and clarity in President Bongbong R. Marcos Jr.’s vision of a Bagong Pilipinas. When leadership takes root in the grassroots, governance flourishes at the national level,” ayon kina TINGOG Party-list Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre.
Nabatid din na ang grand assembly na ito, na co-hosted ng Lakas-CMD, ay katatampukan ng motorcade sa Tacloban City kasunod ang unity program sa Tacloban Astrodome kung saan darating ang lahat ng Alyansa senatorial candidates’ para sa paglalahad ng kani-kanilang plataporma.
Sa pagkakaroon ng three-million registered voters, ang Eastern Visayas ay inaasahang magiging isang game-changing political bloc sa nalalapit na 2025 elections.
“This gathering is not just participation—it’s declaration. Eastern Visayas will not only vote; we will lead,” paglalahad pa ng TINGOG party-list.
“We believe in leadership that listens, in governance that includes. That’s what each of these 11 candidates represent, and that is why we will work day and night to send them to the Senate,” dagdag nito.
Sa panig ni Speaker Romualdez, binigyan-diin niya na “ang paninindigan ng Eastern Visayas ay malinaw: susuportahan namin ang mga kandidatong may malasakit, may bisyon, at may konkretong plano para sa bayan. Kapag nagkakaisa ang mga rehiyon, umuusad ang buong bansa. Ito ang ambag ng Eastern Visayas sa Bagong Pilipinas—isang pamahalaang nakaugat sa malasakit, pagkakaisa, at tunay na paglilingkod.”
“Leadership must be rooted in love of country and service to others. On May 8, Region 8 declares: we stand for unity, not division; for service, not self-interest; for country—always,” dugtong ng House leader.
Kabilang sa Alyansa senatorial slate ay sina Benhur Abalos, Abby Binay, Pia Cayetano, Lito Lapid, Bong Revilla, Francis Tolentino, Panfilo Lacson, Manny Pacquiao, Tito Sotto, Erwin Tulfo, at Camille Villar.
Imbitado rin sa okasyon sina Eastern Visayas lawmakers are Reps. Gerardo Espina Jr. (Biliran, Lakas-CMD), Maria Fe Abunda (Eastern Samar, Lakas-CMD), Lolita Javier (Leyte, Nacionalista Party), Anna Veloso-Tuazon (Leyte, National Unity Party), Richard Gomez (Leyte, Partido Federal ng Pilipinas), Carl Cari (Leyte, Lakas-CMD), Paul Daza (Northern Samar), Harris Ongchuan (Northern Samar, NUP), Stephen James Tan (Samar, Nacionalista Party), Reynolds Michael Tan (Samar, Lakas-CMD), Luz Mercado (Southern Leyte, Lakas-CMD), at Christopherson Yap (Southern Leyte, Lakas-CMD).
Gayundin ang anim na gobernador ng rehiyon, na kinabibilangan nina Govs. Gerard Roger M. Espina (Biliran, Lakas-CMD), Ben Evardone (Eastern Samar, PFP), Jericho Petilla (Leyte, NPC), Edwin Ongchuan (Northern Samar, PFP), Sharee Ann Tan (Samar, Nacionalista Party), at Damian Mercado (Southern Leyte, Lakas-CMD).
