HINDI pa man ganap na nakakaupo sa napanalunang pwesto, may lambing agad ang Palasyo sa mga bagong halal na alkalde sa iba’t ibang bahagi ng bansa — tulungan ang pamahalaan magbenta ng murang bigas sa nasasakupang bayan.
Partikular ni tinukoy ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro ang P20 kada kilong bigas na binebenta sa ilalim ng programang “Benteng Bigas Meron Na.”
Pag-amin ni Castro, marami sa mga alkaldeng nagpahayag ng suporta sa murang bigas program ng gobyerno ay tapos na ang termino — o di naman kaya’y natalo sa nagdaang halalan.
Panawagan ni Castro sa mga bagong halal, isantabi muna ang pulitika para sa kapakanan ng masa.
“Hindi po dapat gamitin kung nanalo o natalo ang mga kandidato. Ito po ay para sa taumbayan. Dapat po sana ang lahat na maaaring makatulong sa kanilang constituents ay maging bukas ang kanilang isip at bukas ang kanilang puso sa pagtaguyod ng programang ito.”
