HINDI pinahintulutan ng pangasiwaan ng piitan sa The Hague ang pagdalaw ng live-in partner ni former President Rodrigo Duterte. Ang dahilan – wala sa karpeta ang pangalan ni Honeylet Avancena.
Bukod kay Honeylet, bigo rin masilayan ni Kitty Duterte ang amang nakapiit sa Scheveningen Prison dahil na rin sa kabiguan makapagpakita ng dokumentong patunay na anak siya ng dating pangulo.
Kwento ni Honeylet, wala pang dalawang oras ang inilagi nilang mag-ina sa tanggapan ng detention facility ng ICC. Paglabas ng Scheveningen Prison, agad na nakihalubilo ang mag-ina sa mga pagtitipon ng taga suporta ng dating pangulo sa labas ng prison compound.
Una nang sinabi ni Vice President Sara Duterte na kabilang ang pangalan nina Honeylet at Kitty sa talaan ng mga maaaring dumalaw sa dating pangulo.
Kabilang rin sa inaasahan magtungo sa The Hague para bisitahin ang matandang Duterte si Elizabeth Zimmerman na ina ng bise-presidente.
