
Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
PARA sa isang partylist congressman, higit na angkop kung pantay-pantay ang sahod ng mga manggagawa saan mang panig ng bansa.
Sa isang pahayag, nanindigan din si Kabayan partylist Rep. Ron Salo na bagamat makatutulong ang P35 umento sa daily minimum wage sa hanay ng mga obrero sa Metro Manila, mas makabubuti kung itataas sa antas ng P750 kada araw ang sahog ng manggagawa sa pribadong sektor – kesehodang sa Metro Manila o sa mga malalayong probinsya.
“While the increase of the minimum wage to P645 is a step in the right direction, it is imperative to continue advocating for a more substantial minimum wage hike to P750 nationwide,” pahayag ni Salo.
“This would ensure that Filipino workers across all regions can achieve a more equitable standard of living, experience a more balanced regional development, and reinforce their vital contribution to nation-building and economic growth,” dugtong niya.
Ayon kay Salo, ang pagtaas sa P645, epektibo sa Hulyo 17, mula sa umiiral P610 na daily minimum wage sa National Capital Region (NCR) ay katanggap-tanggap lalo na para sa mga manggagawang sumasahod batay sa ipinatutupad na daily wage rate.
Ito’y sa dahilang maiibsan na din nito ang bigat sa pang-araw araw na gastusin partikular sa pagbili ng mga pangunahing bilihin, na apektado ng inflation.
“With more than a million workers in NCR that will benefit from the minimum wage increase, the measure will not only aid in providing a decent living for their families but also result in a more dynamic economic activity. It will also reaffirm the indispensable role of our laborers as the backbone of our economy and society,” wika ni Salo.
Taong 2022 pa nang isulong si Salo ang House Bill 525 na nagtutulak itaas ng minimum wage sa antas na P750 kada araw hindi lamang sa Metro Manila.
“The bill aims to address the prevailing inequality and disparity in income levels of the different regions in the country. Furthermore, it also incentivizes workers to stay in their regions instead of choosing to migrate to NCR in search of higher pay, alleviating the overcrowding problem in the region,” ang paliwanag ng mambabatas.
Panawagan ni Salo sa mga kapwa kongresista, ikonsidera ang HB 525 na patuloy na nakabinbin sa Kamara.