SA gitna ng matinding pagsubok na kinakaharap ng sambayanan, kawalan ng puso sa panig ng mga negosyante sa likod ng public utility services ang paniningil ng reconnection fee sa mga naputulan ng supply ng kuryente, tubig at internet.
Sa hangaring maibsan ang pagdurusa ng mga mamamayan, isang panukalang batas ang inihain sa Kamara ni Leyte Rep. Martin Romualdez — ang House Bill 8706 (No Reconnection Fee Act) na naglalayon ipagbawal ang paniningil ng reconnection fee sa mga utility bills.
Ayon kay Romualdez, masyado ng mabigat ang epekto ng walang humpay na oil price hike dala ng kaguluhan sa Gitnang Silangan, kasabay ng panawagan sa bawasan ang pasanin sa pang-araw araw na gastusin ng mga pamilyang Pilipino.
Ang price shock sa mga produktong petrolyo ay hindi lamang aniya nagpapataas sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan o dagdag kinakailangang sa badyet ng mga private car owner, bagkus ay damay din bayarin sa kuryente, tubig at telecom bill, gaya ng internet connections.
Sa ilalim ng HB 8706 na katuwang na binalangkas nina Tingog partylist Reps. Yedda Marie Romualdez, Andrew Julian Romualdez at Jude Acidre, partikular na isinusulong ang tigil paniningil ng reconnection fee ng mga power at water distributors, kasama na ang Telcos sa tuwing naaantala ang pagbabayad ng buwanang singil sa konsumo.
“Once consumers have fully settled their outstanding balances, restoration of service will no longer be subject to additional charges.”
