HALOS isang taon matapos sampahan ng reklamo, tuluyan nang ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong “malicious mischief” na inihain ni former President Rodrigo Duterte kaugnay ng pagdakip kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy.
Sa 14-pahinang resolusyon, tuluyang inabswelto sina former Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Marbil.
Buwan ng Agosto ng nakalipas na taon nang salakayon ng nasa 1,000 PNP personnel ang KOJC Compound sa Davao City para dakpin ang noo’y puganteng si Quiboloy sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte kaugnay ng paglabag sa Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act) sa Quezon City regional trial court at RA 9208 (Human Trafficking) sa Pasig City RTC.
Isinampa ang reklamo sa Davao City RTC Branch 15 .
Kapwa nakakulong na sina Duterte at Quiboloy.
