
TULAD ng mga paninda ng mga negosyanteng bumbay, ginawang hulugan ng pamahalaan ang dagdag-sahod na dapat sana’y tutugon ng mga nars sa walang humpay na pagtaas ng bilihin sa mga pamilihan.
Sa ilalim ng Executive Order No. 64 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., 20 porsyentong dagdag-sahod ang iginawad sa mga nars.
Gayunpaman, inutay-utay ang umento sa loob ng apat na taon — 4.8 percent kada taon hanggang 2027. Para sa 2024, ang P36,619 buwanang sahod ng mga entry-level nurse, ginawang P38,413 ngayong taon.
Inaasahan naman ang isa pang umento pagsapit ng buwan ng Enero ng susunod na taon — mula sa kasalukuyang antas P38,413 kada buwan, magiging P40,208.
Pagsapit ng Enero 2026, aakyat sa P42,178 ang kanilang buwanang sahod. Ang huling bugso ng umento magkakabisa naman sa unang araw ng Enero ng 2027.