DALAWANG buwan matapos ang ultimatum sa pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa hanay ng mga kandidato sa nagdaang halalan, biglang naisipan ng Commission on Elections (Comelec) imbestigahan ang mga politikong tumanggap ng campaign donation mula sa mga kontratista.
Pahiwatig ni Comelec Commissioner George Garcia, rerebisahin ng poll body ang mga SOCE na isimute ng mga kandidato — wagi man o talunan — sa hangaring matukoy ang mga kandidatong nangampanya gamit ang donasyong pera ng mga kumpanyang nangongontrata sa gobyerno.
Bago pa man naglabas ng pahayag ang Comelec, una nang sumingaw ang pangalan ni Senate President Francis Escudero na umano’y tumanggap ng hindi bababa sa P30 milyon mula sa isang kontratistang ginawaran ng mga flood control projects sa Bicol region.
