SA kabila ng sapat na supply bunsod ng masaganang ani ng mga magsasaka, pumalo sa P180 kada kilo ang presyo ng kamatis sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Batay sa pinakahuling datos na kalakip ng lingguhang price monitoring ng Department of Agriculture (DA), halos dumoble ang halaga kada kilo ng kamatis kumpara sa P70 hanggang P100 kada kilo na naitala noong nakalipas na linggo.
Paliwanag ni Gilbert Cumila na tumatayong general manager ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal, ang pagtaas ng wholesale price ang nagtulak sa dagdag-presyo sa retail price ng kamatis na bumabyahe pa patungo sa mga pamilihang bayan sa kabisera
Giit ni Cumila, walang shortage sa kamatis. Gayunpaman aniya, malaking bentahe sa paggalaw ng retail price ang kompetisyon sa hanay ng mga namamakayaw.
