PARA kay Solicitor General Menardo Guevarra, hindi na kailangan pang magpasa ng panukalang batas ang Kamara para tiyakin hindi na makaporma pa ang mga Chinese nationals sa likod ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.
Ayon kay Guevarra, sapat na ang executive order na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Under the law, all gaming operations fall under the jurisdiction of PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation), which in turn reports directly to the Office of the President, an executive order or other administrative issuance is sufficient to implement the policy,” wika ni Guevarra.
Bago pa man lumabas ang pahayag ni Guevarra, una nang nanawagan si House Speaker Martin Romualdez sa mga kapwa kongresista na paspasan ang pagbalangkas ng panukalang batas na nagbabawal sa pananatili ng POGO sa bansa.
Gayunpaman, nanindigan ang SolGen na ang POGO ban ay usapin ng government policy – “It is the president’s determination of what is good for the country after carefully weighing all competing interests.”
Sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Lunes, idineklara ang pagbabawal sa lahat ng POGO kasabay ng direktiba sa PAGCOR na simulan ang proseso sa pagpapasara ng mga naturang establisyemto.
Sa kabila ng direktiba, humirit si PAGCOR President Alejandro Tengco na huwag na idamay ang 12 POGO firms na nakabase sa Pasay.
