Ni ESTONG REYES
SA gitna ng kabi-kabilang batikos, sinalag ni Senador Imee Marcos si Vice President Sara Duterte kaugnay ng pagbiyahe kasama ang pamilya sa Germany habang binabayo ng bagyong Carina ang malaking bahagi ng bansa.
“Matagal ng plano ‘yun at hindi naman niya alam na may bagyo. Pambihira naman,” wika ni Marcos, kasabay ng giit na walang batas na nagbabawal sa mga lingkod bayan na magbakasyon para sa makapag pahinga.
Pag-amin ng Office of the Vice President (OVP), nagtungo sa ibang bansa ang Pangalawang Pangulo ng bansa – biyaheng anila’y natapat lang sa pagpasok ng bagyong Carina.
“The timing of the trip coinciding with Typhoon Carina is unfortunate. Nonetheless, the Disaster Operations Center of the OVP, institutionalized by the Vice President, is always ready to assist families affected by calamities,” ayon sa OVP.
Binigyang diin ng OVP na ang Hulyo 19 pa nang aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang biyahe patungo sa ibang bansa.
