Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
NASA 9,000 Batangueñong pasok sa tinaguriang “vulnerable sector”’ ang nakatanggap ng cash assistance at bigas sa ilalim ng iba’t-ibang programang naglalayong bigyan ng agarang tulong ang mga nangangailangan pamilya at indibidwal.
Sa distribution ceremony na isinagawa sa Lipa City, personal na pinangasiwaan ni House Speaker Martin Romualdez ang paglalatag ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program, kasama na rin ang Integrated Scholarships and Incentives for the Youth (ISIP) Program at ang Start-Up, Investments, Business Opportunities and Livelihood (SIBOL) Program.
“Sabi nga po ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., no one should be left behind. Kaya itong mga programang ito ay ipinapatupad natin para maabot ang lahat ng kababayan nating nangangailangan ng tulong. Hindi lang yung mga mahihirap, pati yung ating mga near-poor na nahihirapan sa araw-araw na gastos,” wika ni Romualdez sa harap ng mga Batangueño.
Para CARD program, umabot sa 3,000 ang bilang beneficiaries mula sa iba’t-ibang lugar ng lalawigan, na tumanggap ng tig-P5,000 cash sa pamamagitan ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development at 20 kilo ng bigas sa simpleng programa na isinagawa sa Lipa City Youth and Cultural Center kanina.
Ani Romualdez, ang CARD program ay nabuo bilang suporta sa ‘vulnerable Filipinos’ kung saan sila ay mabibigyan ng access sa murang bigas at makakatanggap din ng cash assistance.
“The program not only intends to boost the purchasing power of the public but also serves as a strategic measure against hoarding and price manipulation of rice stocks,” dagdag ng lider ng Kamara.
Sa ISIP Program naman, mayroong 3,000 estudyante ng Batangas ang binigyan ng tig-P5,000 sa ilalim na rin ng AKAP, bukod pa sa tig-5 kilo ng bigas, na ginawa sa Lipa Academy of Sports, Culture and Arts (LASCA).
Garantiya ng Speaker, ang mga benepisyaryong mag-aaral ay tatanggap ng tig-P5,000 kada anim na buwan bilang pangtustos sa matrikula at iba pang gastos sa pagpasok sa eskwela.
“Identified student-beneficiaries will be enrolled under Commission on Higher and Technical Education’s (CHED) Tulong Dunong Program (TDP) where students can get scholarship assistance per year amounting to a total of 15,000 pesos.”
“They will also get priority slots under the Government Internship Program (GIP) after graduation, and their unemployed parents or guardians may also be enrolled in the Department of Labor and Employment’s (DOLE)-Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program,” dagdag pa niya.
Ang SIBOL naman ay nagbibigay ng oportunidad sa mga entrepreneur mapaghusay ang kanilang negosyo at makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya, maging ang pagsuporta sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) at start-up businesses sa pamamagitan ng pinagsama-samang government initiatives at tulong mula sa private sector at pagbibigay ng paunang puhunan.
Nasa 3,000 small Filipino entrepreneurs ang nabigyan ng P5,000 at 5 kilo ng bigas bawat isa sa distribution program sa Claro M. Recto Events Center.
“Lahat ng ito ay katuparan ng pagnanais ni Pangulong Marcos na matulungan ang lahat ng nangangailangan ng tulong. Pero ang mga ito ay mayroong malaking magandang resulta dahil kapag nakabangon ang mga kababayan natin ay tutulong na sila sa paglago ng ating ekonomiya,” pagbibigay-diin pa ni Speaker Romualdez.
