Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
SINOPLA ng isang kongresista ang patutsada ni former President Rodrigo Duterte sa di umano’y paglabag sa karapatang pantao sa ‘overkill’ na isinagawang pagsalakay ng pulisya sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound para dakpin ang puganteng televangelist Pastor Apollo Quiboloy.
“It is ironic that today former President Rodrigo Duterte is speaking out in defense of the rights of his friend, when he attached very little value to human rights during his administration’s war on illegal drugs,” bwelta ni Manila 6th District Rep. Benny Abante na tumatayong chairman ng House Committee on Human Rights.
Para kay Abante, walang karapatan magtanggol sa karapatang pantao ang dating Pangulong pasimuno ng extrajudicial killings sa kanyang termino.
“Perhaps if the former president had emphasized the importance of human rights during his administration, then we would not have to investigate the thousands of extrajudicial killings that occurred during his presidency’s war on drugs,” dagdag ni Abante.
Aniya, isang “tragic irony” ang mga pahayag ni Duterte habang iniimbestigahan ng House quad committee ang pagpatay sa libu-libong indibidwal sa giyera kontra droga sa panahon ng kanyang pamumuno.
“The rights of every Filipino should be respected, whether they be pastor or pauper,” giit ng solon.
Mapalad pa nga aniya si Quiboloy na bibigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili sa husgado – hindi tulad ng libo-libong pinaslang sa tinawag niyang pekeng giyera kontra droga.
“Unlike the victims of the war on drugs, Quiboloy was afforded due process. Not one, but two courts issued warrants of arrest. The police went into his compound with the end in view of arresting and detaining him. Even now, if he surrenders to authorities, Quiboloy will have his day in court,” paliwanag ng kongresista.
“Unfortunately and tragically, thousands of our kababayan who were slain during the war on drugs were not given the same opportunity,” dugtong ng mambabatas.
Sabado ng umaga nang pasukin ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP)ang KOJC Compound sa Davao City sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte laban kay Quiboloy na nahaharap sa mahabang talaan ng mga kasong kriminal kabilang ang child abuse, human trafficking, fraud, money laundering at iba pa.
