
NANINDIGAN si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa iba pang indibidwal na sampid sa asuntong Crime Against Humanity ni former President Rodrigo Duterte.
“Our views evolve at times,” ayon kay Remulla sa pagbubukas ng pagdinig ng Senate committee on foreign relations bilang tugon sa katanungan sa jurisdiction ng ICC sa iba pang kapwa akusado ni Duterte.
Paliwanag ng Kalihim, may jurisdiction pa ang international tribunal sa mga indibidwal pero hindi sa bansang kumalas sa Rome Statute – bagay na inalmahan ni Senador Imee Marcos.
“In this statement, the president clearly means jurisdiction over individuals. It is very, very clear. There is no area for quibbling, and if you say there is jurisdiction over individuals, I don’t believe that you are in agreement with your president. As a matter of fact, the ICC does not try countries after all,” ayon kay Senador Imee.
Bilang tugon, nagwika ang DOJ chief na — “Our views evolve during times, at times, and I don’t know if he still has the same views up to today — because we are talking about a clip which was done one and a half years ago. Our minds can change, ma’am.”
“Of course, we can change our mind, Mr. Secretary. So, you are saying that the president changed his mind?” tanong ng presidential sister.
“Well, I cannot speak for him, madam. I cannot speak for him. Your conclusions are really your own and I cannot adopt your conclusions here,” tugon ng DOJ chief.
Noong Marso 17, 2018, kumalas si Duterte sa Rome Statue, ang isang tratado na nagtayo sa ICC, Ngunit, nagkabisa lang ang pagkalas matapos ang isang taon.
Kahit kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute nitong Marso 16, 2029, nananatiling may jurisdiction ang ICC sa krimen na nangyari mula Nobyembre 1, 2011 hanggang Marso 16, 2019 – o base sa panahon na miyembro pa ang bansa.
Ito ang basehan ng pagpapalabas ng arrest warrant ng ICC laban kay Duterte na nakakulong ngayon sa The Hague.
Kinasuhan si Duterte ng crimes against humanity sanhi ng pagpaslang sa mahigit 30,000 katao sa ilalim ng madugong giyera ng pamahalaan laban sa kalakalan ng droga. (ESTONG REYES)