PARA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi restriksyon ang sagot sa bawat problema ng bansa.
Sa isang panayam ng mga mamamahayag, ini halimbawa ni Marcos ang implementasyon ng total ban laban sa e-sabong.
Gayunpaman, nilinaw ng Pangulo na wala pang posisyon ang administrasyon sa usapin ng online gambling.
Katunayan aniya, nakatakdang tipunin ng pamahalaan ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor na tatawaging “conclave” para bumalangkas ng polisiya hinggil sa online gambling.
Kabilang sa mga magiging bahagi ng “conclave” ang simbahan, mga paaralan, pulisya, magulang, at eksperto sa adiksyon para talakayin ang epekto ng online gambling sa lipunan.
Kasama rin sa mga aanyayahan ng Pangulo ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), na matagal nang may matibay na posisyon hinggil sa isyu ng online gambling sa bansa.
“Hindi laging solusyon ang pagbabawal… ang “e-sabong” na kahit ipinagbawal, nagpatuloy pa rin bilang underground operation,” wika ng Pangulo.
“I don’t want to influence anyone’s opinion here until we hear from the group who will be examining the question. But in my opinion, a ban will not take care of the problem. We have to be a little bit more measured in our response.”
