BINULAGA ng mga militanteng kabataan ang punong tanggapan ng Department of Justice (DOJ) matapos ang pormal na sampahan ng reklamo laban sa mga aktibistang lumahok sa kilos-protesta kontra katiwalian apat na buwan na ang nakalipas.
Panawagan ng mga militanteng kabataan, ibasura ang reklamong inihain ng pulisya sa mga estudyanteng aktibista — kabilang ang isang Aldrin Kitsune na inisyuhan ng subpoena ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay ng marahas ng demonstrasyon noong ika-21 ng Setyembre sa kahabaan ng Recto Avenue sa Maynila.
Una nang pinagbuntunan ng sisi ni Kitsune ang gobyerno sa paglahok ng mga kabataan sa kilos protesta. Aniya, bigo ang pamahalaan supilin ang malawakang katiwalian sa pamahalaan.
Giit ng mga raliyista, dapat managot ang mga tiwaling government officials na sangkot sa illegal na mga aktibidad kasama ang pagnanakaw sa kaban ng bayan, gayundin sa garapalang paglabag sa karapatang pantao. (JULIET PACOT)
