PARA sa isang dating kongresista, hindi dapat palampasin ng gobyerno ang katampalasan ni Senador Loren Legarda bunsod ng umano’y “influence peddling” na nagbigay-daan sa pagiging bilyonaryo ng anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste.
Ayon kay dating Buhay partylist Rep. Lito Atienza, nabigyan ng 25-taong legislative franchise noong 2018 ang Solar Para sa Bayan Corp. (SPBC) ni Leviste sa kabila ng maliit na kapital — isang milyong piso.
Kwento ni Leviste sa isang panayam sa Bilyonaryo news channel, ginapang umano ni Sen. Legarda ang mga senador at kongresista para pagtibayin sa Senado at Kamara ang aplikasyon para sa prangkisa ng SPBC.
“(With) a piece of paper and a lot of influence, you’ve made billions of pesos,” diin ni Atienza tungkol kay Leviste. “Billions, not millions.”
“She (Legarda) was really earnestly working for the approval of the application of her son’s Solar Para sa Bayan and she played a major role in that sense because without her support, the proposal of the young Leviste was a big joke,” diin ng dating mambabatas.
Nagpahayag naman ng kahandaan si Atienza tumestigo sa imbestigasyon ng Kamara para ipaliwanag kung paano nakuha ng tinawag niyang “nepo baby” ang prangkisa sa tulong ng kanyang ina.
Mungkahi ni Atienza, kanselahin ang prangkisa ng SPBC.
