HINDI pa man ganap na lumulutang sa publiko si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., usap-usapan na sa Palasyo ang napipintong pagsibak kay Secretary Raphael Lotilla sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ang ipapalit sa pwesto ni Lotilla — si DENR Undersecretary Juan Miguel Cuna na dating “alalay” ni former President Gloria Macapagal-Arroyo.
Kumpara kay Lotilla, mas malawak ang kaalaman at karanasan ni Cuna sa usapin ng kalikasan. Taong 2008 nang magsimulang manungkulan si Cuna sa DENR bilang assistant secretary.
Sa kasalukuyan, nasa ilalim ng superbisyon ni Cuna ang mga sensitibong operasyon ng Mines and Geosciences Bureau at Environmental Management Bureau sa Luzon at Visayas region. (LILY REYES)
