SA nalalapit na pagpasok ng panahon ng Kwaresma, isang masidhing panawagan sa mga Katoliko ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) — bawasan kung hindi kayang iwasan ang paggamit ng cellphone at social media.
Sa isang pastoral letter, partikular na isinusulong ng CBCP ang “digital fasting” bilang bagong paraan ng pagsisisi, pagbabalik-loob at espirituwal na pagninilay.
Kabilang sa mga mungkahi ng CBCP ang pag-iwas sa paggamit ng cellphone bago matulog at pagkagising; limitasyon sa oras sa social media at streaming, gayundin ang gadget-free na paghaharap sa hapag-kainan, at paglalaan ng oras para sa panalangin.
Para sa CBCP, hindi limitado sa pagbabawas o pagliban sa pagkain ang anyo ng fasting at abstinence.
“Digital media fasting helps restore balance and reminds us that technology must serve human life –not dominate it,” pahayag ng CBCP sa isang bahagi ng pastoral letter.
“Digital media fasting is not simply about giving something up. It is about making room for something better,” dagdag ng CBCP.
Nakatakdang magsimula ang Kuwaresma sa Ash Wednesday sa Pebrero 18.
