TALIWAS sa posisyon ng Department of Justice (DOJ), hindi pwedeng lumabas ng bansa ang mga pinaniniwalaang sangkot sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Sa bisa ng kautusan ng Manila Regional Trial Court Branch 52, partikular na tinukoy sina Senador Jinggoy Estrada at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa “precautionary hold departure order” na inilabas ng DOJ.
Pasok din sa talaan na inilabas ng husgado sina dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, dating DPWH Regional Director Gerard Opulencia, at dating DPWH Bulacan First District Engineer Henry Alcantara.
Ayon kay Judge Juan Rañola Jr., may “probable cause” o sapat na batayan na posibleng umalis sa bansa ang mga respondent upang umiwas sa mga kinakaharap na kaso kabilang ang plunder, direct bribery at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Nilinaw naman ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez na hindi nangangahulugang naresolba na ang mga nakabinbin kasong plunder sa DOJ.
“By the term precautionary, ibig pong sabihin niyan na bago pa ma-file formally yung kaso in court, may issue na… anticipating that the respondents in these plunder cases pending before the DOJ may evade arrest,” ani Martinez. (JULIET PACOT)
