KUMANTA na ang kontrobersyal na senador na sinasabing kasama ng puganteng mambabatas sa pagtakas.
Gayunpaman, mistulang sintunado ang tono ni Senador Robin Padilla na umaming hindi pa nakakalabas ng bansa ang kaalyadong si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Bagamat siguradong nasa Pilipinas pa rin si Dela Rosa, iginiit ni Padilla na wala siya ideya kung saan nag lulungga ang kapwa senador na target ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng madugong giyera kontra droga sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.
“Wala akong idea kung nasaan si Bato… ikukumpirma ko nasa Pilipinas siya. Hindi aalis yun. Hindi gagawin ni Bato ‘yun. Mahal niya ang Pilipinas,” wika ni Padilla.
Nang reaksyon hinggil sa pahayag ni National Bureau of Investigation (NBI) director Melvin Matibag, tumanggi na si Padilla magbigay ng paliwanag.
“Siguro antayin na lang natin ‘yung official na imbestigasyon.”
Target ng NBI maglunsad ng mas malalim na imbestigasyon sa sinasabing pagtulong si Padilla sa pagtakas ni Dela Rosa.
Ani Matibag, “person of interest” sa paglalaho ni Dela Rosa si Padilla noong Mayo 14.
