Ni LILY REYES
ARESTADO ang isang babaeng sinasabing nag-iwan ng sanggol na binusalan pa ng tissue paper ang bibig upang hindi marinig sa banyo ng isang gasolinahan sa Kalayaan Avenue sa Quezon City.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. Gen Redrico Maranan, bukod sa Angeleen Quilang, 20-anyos na inang nag-iwan ng sanggol, dakip kanyang mga lolong kinilala sa pangalang Arnulfo Quilang na isang retiradong empleyado ng gobyerno at asawang Cecilia.
Sa tulong ng CCTV, natunton ang buong pamilya sa Vista Verde Country Homes, Barangay Muntindilaw, Antipolo City.
Ayon kay Maranan, nagsagawa ang pulisya ng backtracking sa CCTV footage kung saan nakunan pati ang plaka ng SUV na ginamit ng mag-anak.
Kakasuhan ang mga suspek ng Frustrated Infanticide at paglabag sa Art. 276 ng Revised Penal Code, Abandoning of Menor in relation to R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
