MAKALIPAS ang halos isang buwan, pumalo na sa 1,027,572 ang nadagdag sa talaan ng mga botante sa bansa, ayon sa mismo kay Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia.
Batay sa datos ng Comelec, pinakamataas ang bilang ng mga bagong botante sa Calabarzon Region kung saan 187,372 ang nakapag rehistro sa mga tanggapan ng Comelec, registration satellite centers at “Register Anywhere Program stations para sa 2025 midterm elections.
Nasa pangalawang pwesto naman ang Metro Manila na may 156,990 new registrants, Central Luzon na tumanggap ng 111,681 applications, Central Visayas na nnakapagtala ng 79,552 at Davao na may 63,998.
Sa pagtataya ng Comelec, posibleng malampasan pa ng poll body ang target na tatlong milyong bagong botante lalo pa’t mahaba pa ang registration period na magtatapos sa Setyembre 30 ngayong taon.
Nanawagan din sa Garcia sa mga kwalipikadong Pilipino na samantalahin ang pagkakataon maging bahagi sa paghubog ng kasaysayan sa pamamagitan ng pagboto – bagay na posible lamang aniiya kung rehistradong botante.
Batay sa datos ng Comelec bago ginanap ang 2022 presidential election, nasa 65 milyon na ang kabuuang bilang ng mga botante sa bansa – at inaasahang madadagdagan pa ng tatlong milyon bago sumapit ang itinakdang dead para sa voters’ registration.
