GANAP nang sinimulan ng ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapatupad ng ikatlong tranche ng salary increase para sa mga civilian government workers.
Batay sa National Budget Circular No. 601, bahagi ang nasabing umento ng apat na taong salary adjustment program sa ilalim ng Executive Order No. 64, series of 2024 para mapalakas ang civil service at masiguro ang patas at maayos na compensation system sa gobyerno.
Saklaw ng dagdag-sahod ang mga civilian personnel, regular man, casual o contractual, sa lahat ng sangay ng pamahalaan at mga GOCC na nakapailalim sa circular.
Gayunpaman, hindi saklaw ng dagdag-sahod ang military at uniformed personnel at mga job order at contract of service workers.
Ayon sa DBM, nakalaan na sa 2026 General Appropriations Act ang pondo para sa salary adjustments at ipatutupad ito nang walang dagdag na budget request mula sa mga ahensya.
Layunin ng administrasyon itaas ang antas ng kondisyon ng mga kawani ng gobyerno at ang kalidad ng serbisyo publiko. (JULIET PACOT)
