KINUYOG ng mga pro-Duterte netizens si Makati City Mayor Abby Binay sa social media matapos soplahin si Vice President Sara Duterte kaugnay ng patutsada laban sa pamamahagi ng P20 kada kilong bigas sa Visayas sa kabila ng pagbabawal ng Comelec.
Sa news portal ng Politiko (politiko.com.ph), walang patumangga ang komento ng mga netizens laban kay Alyansa senatorial bet Abby Binay.
Hindi rin pinalampas ng mga netizens si Binay sa Politiko Facebook page, kung saan umabot sa 113 comments, 166 reaksiyon at tatlong shares na karamihan ay nanghihikayat na huwag iboto ang alkalde bilang tugon sa pagbatikos kay VP Sara laban sa pamamahagi ng bigas na tig-P20 kada kilo kahit labag sa Omnibus Election Code.
“Sasabihin mo ba sa mga tao, ‘after the election na lang ha, doon ko lang ibibigay yung murang bigas kasi sasabihin na namumulitika ako.’ Hindi naman po ganoon ang trabaho ng gobyerno. Kung maibibigay mo na ngayon, ibigay mo na. Hindi mo pwedeng sabihin na, “O, mag-aantay ako ng magandang timing.”
Hindi naman pinalampas ng ilang tila supporter ni Duterte na masasalamin sa pagsusuri ng 3RD_AI_ na makababawas sa tyansa ni Abby Binay na makapasok sa Magic 12 ang pagbatikos sa ibang political figure tulad ni Duterte.
Tumutugma rin ang sitwasyon sa pagdedeklara ng “no vote” kay Abby Binay sa pag-aanalisa ng 3RD-AI_ na malaki ang posibilidad na malaglag ang alkalde sa Magic 12 na nakapwesto ikat-11-14 ng winning circle.
“Our AI model predicts medium chances of her winning ranking between 11-14,” giit ng grupo dahil sa pagbibigay ng komento sa ilang pulitiko.
Sa pag-aanalisa ng 3RD_AI_ na kahit may 40% positive narrative sa social posts ang nakukuha ni Abby Binay sa pagiging alkalde ng Makati City, nahaharap naman ang anak ni dating Vice President Jejomar Binay sa lumalakas na negatibong kritisismo sa kanyang comments sa ibang political figures.
“Like many politicians, Abby Binay faces criticism particularly in relation to her comments on other political figures and her family political legacy. Some narratives focus on these controversies questioning her motives and political strategies,” ayon kay 3RDEY3.
Narito ang ilan sa banat kay Abby Binay:
Damelin Melinda “Napakatrapo nito sariling pamilya ganid nag away away sa dahil sa position tapos tatakbo sa senado.”
Shaine Ibanez “Ayan tayo eh Abby bitter, hanap ka naman ng ibang dahilan para iboto ka sawsawera lang ang peg”
Maritoni Enriquez “Hay naku isa pa tong tiwali sa BINAY”
Robert Bautista “Eh pareho KC Ang takbo Ng isip nyo, Kyo nga sa pamilya di pa mgkaisa, bka kulang pa para sa kampanya… Sa tagal Ng panahon Ngayon lng sinugal Ang bente para mtakpan mga billiones sayang lang Ang apelyido nyo, Alam nyo Yan!”

Taguigeño Tayo “Sabi ko sa inyo, WAG NA WAG nyo iboboto yang si ABBY BITTER. Puro kamalditahan lang gagawin yan at paghihiganti sa kaaway nyang Taguig City ang gagawin niya kapag nanalo yan. ITAGA SA BATO.
Jhun Aragon “Hindi naman, pero hindi mawawala sa isip ng tao yan kasi election. The motive and the intent must be checked! Sana buong Pilipinas at hanggang matapos ang term ni BBM.
Randolph Barcos “Eto ung magkakapatid nag-away sa loob ng simbahan in front of voters…just to stay in power”
Stephen Rivera “Ha sipsip ka no vote sayo”
Rex Victoria “Binay will not win dahil alam ninyo where she belong!”
Bong V. Joaquin “Zero ka binay!”

Sey Ken “Tga makati aq.. Iboboto sana nmin to ng pamilya ko. Ang problema nakikisawsaw!
Focus n lng s campaign. Di makakatulong sayo ang pakikipag-sawsaw. Hayaan m n si ante kler sa mga usapin bardagulan.
