PARA kay Senador Bong Go, hindi na dapat pahintulutan ng pamahalaan ang malawakang bentahan ng disposable vape sa hanay ng mga kabataan.
Sa isang pahayag, iginiit na Go na lubhang mapanganib sa kalusugan ang disposable vape, batay na rin sa pag-aaral ng mga eksperto, bukod pa sa kawalan ng regulasyon sa pwedeng bentahan ng naturang produkto.
Partikular na tinukoy ng senador na tumatayong chairman ng Senate Committee on Health, ang bentahan ng disposable vape sa iba’t ibang online market kung saan aniya pati mga menor de edad ay malayang nakakabili ng tinawag niyang mapaminsalang alternatibo sa sigarilyo.
Mungkahi ni Go sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan, higpitan ang bentahan ng disposable vape sa online market na aniya’y walang katiyakan kung saan nagmula at maging ang kumpanyang gumawa.
“Walang katiyakan kung ilan na ang mga menor de edad na nakabili ng disposable vape sa online market. Hindi natin alam kung ang mga produkto bang ito ay ligtas gamitin. Posibleng malagay sa panganib ang kalusugan ng mga tao,” wika ni Go sabay pitik sa aspeto ng buwis na nawawala sa gobyerno.
Sa ilalim ng batas na lumikha ng Vape Law, ang naturang alternatibo sa paninigarilyo ay kailangan dumaan sa mahigpit na pagsusuri para tiyakin ang kaligtasan ng mga binebentahan – menor de edad man o nasa hustong gulang.
Pnawagan ni Go sa Department of Trade and Industry (DTI) supilin ang hayagang bentahan ng disposable vape sa mga kabataan.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, marami sa mga binebentang disposable vape sa onsite on at line market ay hindi rehistrado sa DTI – at walang binabayad na buwis sa gobyerno.
