UMARAY ang hanay ng mga tsuper ng mga pampasaherong sasakyan matapos ipatupad ng mga kumpanya ng langis ang panibagong bigtime oil price hike.
Sa abiso ng Shell at Seaoil, 80 sentimos ang dagdag sa presyo kada litro ng gasolina, habang pumalo naman sa P1.60 ang umento sa presyo kada litro ng diesel na karaniwang gamit ng mga pampasadang jeep. Hindi rin nakalusot ang kerosene na pinatawan ng P1.10 increase kada litro.
Noong nakaraang linggo, nagtaas din ng presyo ang mga retailer — 40 sentimos kada litro sa gasolina, P1.40 sa diesel, at 80 sentimos sa kerosene. (LILY REYES)
