BAHAGYANG naibsan ang legal na suliranin ng mag-asawang Discaya matapos ibasura ng Department of Justice (DOJ) ang tatlong tax evasion case laban sa kontrobersyal na contractor kaugnay ng mga biniling luxury vehicles.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, responsibilidad ng mga importer ang pagbabayad ng excise tax ng mga luxury vehicles na binenta kina Curlee at Sarah Discaya.
“Nakita po ng panel na hindi po importer sila Sarah and Curlee and so they were not liable for non-payment of excise tax. Ang may liability po magbayad ng excise tax would be `yung nag-import talaga. Kung kanino binili ang mga kotse,” wika ni Martinez.
Partikular na tinukoy ni Martinez ang mga reklamong inihain kaugnay ng mga mamahaling sasakyan na binili ng mag-asawa tulad ng Land Rover/Range Rover, Cadillac Escalade, Land Rover, at dalawang Mercedes Benz
Gayunpaman, may dalawang kaso pang isinampa sa Court of Tax Appeals ang kailangan harapin ng mga Discaya.
