MISMONG si Speaker Martin Romualdez ang nagpahayag na suportado ng Kamara ang balasahan sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang tanging hangad ay pairalin ang pananagutan at tiyakin ang maayos na pagganap sa trabahong kalakip ng mandato.
“The House of Representatives fully supports President Ferdinand R. Marcos Jr.’s decision to revamp the Cabinet. It is a strong and necessary step—proof that he listens, acknowledges, and acts with resolve,” pahayag ni Romualdez.
“As Speaker and leader of the 306-strong House of Representatives, I commend the President’s courage in demanding accountability and realigning governance,” dagdag pa niya.
Ayon kay Romualdez, handa ang Kamara na makipagtulungan sa bagong gabinete partikular sa layuning makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino, mapababa ang presyo ng mga produktong pagkain, at makapagbigay ng higit na mahusay na serbisyo sa publiko.
“We will sharpen our oversight role and advance his agenda. This is a shared mission by the House and by reform-minded leaders,” anang lider ng Kamara.
“Ang kailangan ngayon: pagkakaisa at malasakit. I stand with the President. The nation comes first,” wakas na pahayag ni Speaker Romualdez. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
