
HINDI na hinintay ng Department of Justice (DOJ) ang pasya ng husgado sa kontrobersyal na Dengvaxia case na isinampa laban kay former Health Secretary at ngayo’y Iloilo City Rep. Janette Garin, matapos atasan ni Justice Secretary Crispin Remulla ang taga-usig na bawiin ang asunto sa Quezon City Regional Trial Court.
Katwiran ni Remulla, nabigo ang prosekusyon kumalap ng sapat na ebidensyang magdidiin kay Garin sa 98 counts ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.
Bukod kay Garin, kabilang rin sa sinampahan ng kaso sina Dr. Gerardo Bayugo at Dr. Ma. Joyce Ducusin.
Paliwanag ng Kalihim, hindi pwedeng panagutin ang mga akusadong aniya’y wala naman umanong malisyosong intensyon sa kanilang panig.
“In the scheme of things that transpired involving Dengvaxia, we found that the step by step procedures undertaken by respondents-appellants, leading to the implementation of the program, do not exhibit inexcusable lack of precaution to hold them liable for reckless imprudence resulting to homicide,” saad pa sa isang bahagi ng resolusyon ni Remulla.
Ayon kay Remulla, naging basehan ng mga akusado para itulak ang bakunahan ang Certificate of Product Registration (CPR) na isyu ng Food and Drug Administration (FDA) para sa Dengvaxia – bukod pa sa mga isinagawang clinical trials.
“Plus, before the Dengvaxia was purchased and distributed, a rigorous bidding process in accordance with existing laws for its procurement was undertaken by the concerned parties.”
Wala rin aniyang ugnayan sa pagitan ng Dengvaxia vaccination ng mga mag-aaral sa pagkamatay ng ilang estudyante — “Rigorous scientific studies conducted by the World Health Organization and other respected experts clearly point to a contrary conclusion that there is causal link between them.”